Inanunsyo ng America ang popondohang PGI Luzon Corridor na magko-konekta sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas.
Sa background press bago ang makasaysayang PH-USA-Japan trilateral summit sa Washington D.C USA, inihayag ng White House na ang proyekto ang kauna-unahang partnership for global infrastructure corridor sa Indo-Pacific, na layuning mapabilis ang investments sa high-impact infrastructure projects kabilang sa mga pantalan, railway, clean energy, semiconductors, supply chains, at iba pang connectivity projects.
Kaugnay dito, idaraos umano ang events at itatatag ang steering committee para sa Luzon corridor.
Samantala, magbubukas na rin ang Development Finance Corp. ng America ng kauna-unahan nitong regional office sa Pilipinas.