![]()
Isiniwalat ni US President Donald Trump na hindi siya naabisuhan nang maaga ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu kaugnay ng pag-atake ng Israel sa Qatar noong nakaraang linggo.
Ito’y matapos lumabas ang ulat na ipinabatid umano ni Netanyahu kay Trump ang naturang operasyon bago ito isinagawa. Ayon sa Trump administration, nalaman lamang nila ang insidente nang nasa himpapawid na ang mga missiles kaya wala nang pagkakataon para pigilan ang pag-atake.
Nabatid na tinarget ng Israel sa naturang airstrike ang ilang political leaders ng Hamas sa Qatar noong nakaraang Martes.
Iginiit din ni Trump na wala siyang kinalaman sa naging desisyon ng Israel na isagawa ang atake.
