![]()
Pinag-usapan nina US President Donald Trump at British Prime Minister Keir Starmer ang kahalagahan ng pagbubukas muli ng Strait of Hormuz, na kasalukuyang hinaharangan ng Iran.
Ayon sa opisina ng leader ng United Kingdom, tinalakay nina Trump at Starmer ang kasalukuyang sitwasyon sa Middle East at kung paano matatapos ang disruption sa global shipping na nagdudulot ng pagtaas ng mga presyo sa buong mundo.
Noong Sabado ay hinimok ng US President ang iba pang mga bansa, gaya ng China, France, Japan, South Korea, at Britain na magpadala ng warships upang tulungan ang Estados Unidos na ma-secure ang Strait of Hormuz.
Mahigpit na hinaharangan ng Iranian military ang mahalagang katubigan bilang ganti sa mga pag-atake ng US at Israel.
