dzme1530.ph

US PRESIDENT DONALD TRUMP, NAGPAHIWATIG NA MALAPIT NANG MAGKAROON NG KASUNDUAN SA IRAN

Loading

Inanunsyo ni US President Donald Trump na pinangungunahan nina Vice President JD Vance at Secretary of State Marco Rubio ang negosasyon sa Iran, kasabay ng pahiwatig na malapit nang magkaroon ng kasunduan.

 

Ayon sa Iranian source, handa umanong makinig ang Tehran sa “sustainable” proposals para matapos na ang digmaan.

 

Sinabi rin ng source na 1,000 US soldiers, kasama ang 82nd Airborne Division ang inaasahang ide-deploy sa mga susunod na araw sa Middle East.

About The Author