Binatikos ni US President Donald Trump ang Ukraine matapos sabihin ng presidente nito na si Volodymyr Zelensky na nasorpresa ito nang hindi imbitahan ang kanyang bansa sa peace talks sa Saudi Arabia upang wakasan na ang Ukraine war.
Dismayado si Trump sa reaksyon ng Ukraine at tila sinisi ito sa pagsisimula ng giyera, sa pagsasabing nakipag-deal nalang sana ang bansa.
Ipinaliwanag ng US President na batid niyang ikinagalit ng Ukraine ang kawalan ng seat sa peace talks, subalit may higit tatlong taon aniya ang bansa para pigilan o ayusin ang gulo, pero hindi ito nakipagkasundo.
Idinagdag ni Trump na matapos ang pulong sa pagitan ng US at Russian officials sa Saudi Arabia ay nadagdagan ang kanyang kumpiyansa na matutuldukan niya ang digmaan.