Pangungunahan ni US President Joe Biden ang state visit ni South Korean President Yoon Suk Yeol sa April 26.
Ito ang inanunsyo ng White House kung saan palalakasin ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan.
Sa ngayon, nagsasagawa ang Amerika at South Korea ng mga pagsasanay laban sa posibleng pag-atake ng Pyong Yang, na ilang beses na nagkasa ng ipinagbabawal na weapon tests sa mga nakalipas na buwan.
Matatandaang sinabi ng North Korea na ang kanilang nuclear weapons at missile programs ay para sa self-defense, at anila ang military exercises ng US at South Korea ay naglalarawan ng isang pagsalakay.