Binalaan ng US Government ang China-based entertainment platform na Bytedance na ipapa-ban nila ito sa kanilang bansa kung hindi ibebenta ang kanilang shares sa Tiktok.
Ito ay dahil maghihigpit ang Western powers kabilang na ang European Union at Estados Unidos kasunod ng pangambang gamitin ng mga Chinese officials ang user data o information para makapang-abuso.
Mas tumindi ang pag-aalalang ito ng US matapos barilin ang isang Chinese spy balloon sa airspace ng US.
Ayon kay US National Security Advisor Jake Sullivan, noong nakaraang linggo ay inihain ng White House ang panukalang batas na magbibigay ng kapangyarihan kay President Joe Biden na i-ban ang Tiktok sa kanilang bansa.
Enero ng nakaraang taon, nang ipag-utos ng US Government sa kanilang mga opisyal na huwag nang mag-install ng naturang app sa kanilang devices.