![]()
Inanunsyo ni US President Donald Trump sa post sa Truth Social na mananatiling “in place” sa loob at paligid ng Iran ang lahat ng barko, eroplano, armas, at military personnel ng Estados Unidos.
Idinagdag ni Trump na dapat ay walang nuclear weapons ang Iran, at maging bukas at ligtas ang Strait of Hormuz.
Nakatakdang isagawa ang negosasyon sa pagitan ng Amerika at Iran sa Islamabad, Pakistan, bukas.
Samantala, sinabi rin ni Trump sa kanyang post na sa ngayon ay naghahanda at nagpapahinga ang US military, at sa katunayan ay inaabangan na ang kanilang susunod na pananakop.
