dzme1530.ph

US, HINDI MUNA AATAKIHIN ANG ENERGY SITES NG IRAN SA LOOB NG SAMPUNG ARAW

Loading

Nangako si US President Donald Trump na hindi tatargetin ng Estados Unidos ang energy sites ng Iran sa loob ng panibagong sampung araw.
 
Ito aniya ay habang nagpapatuloy ang negosasyon sa Tehran.
 
Nakatakda sanang magtapos bukas ang naunang “pause” ng US sa pag–atake sa Iranian energy sites.
 
Gayunman, sinabi ni Trump na nasa Iranian leaders kung makukumbinsi siya ng mga ito na itigil na ang digmaan, kasabay ng pagsasabing wala siyang pakialam sa deal.
 
Dahil dito, lalo pang nagduda ang Iran tungkol sa kahandaan ng Washington na makipag-negoasyon.

About The Author