dzme1530.ph

US experts, patuloy na tumutulong sa oil spill response operations sa Oriental Mindoro

Walong eksperto mula sa US government ang patuloy na tumutulong sa oil spill response operations ng Philippine Coast Guard sa Pola, Oriental Mindoro.

Sa statement ng US Embassy, limang miyembro ng National Strike Force ng US Coast Guard ang nag-assess sa mga lugar upang matukoy ang pinaka-epektibong paraan at kagamitan, para matanggal ang oil spill mula sa lumubog na motor tanker na Princess Empress.

Sa pamamagitan naman ng funding mula sa US Agency for International Development, dalawang miyembro ng US National Oceanic and Atmospheric Administration ang nakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources sa pagsasagawa ng rapid environmental assessment sa mga apektadong lugar.

Isang US Navy Supervisor ng salvage at diving ang mag-e-evaluate naman ng technical parameters na kinakailangan para masuportahan ang posibleng deployment ng remotely operated vehicle. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author