dzme1530.ph

US Embassy sa Maynila, nagpahayag ng pagkabahala sa panibagong insidente ng harrasment ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal

Tinawag na unprofessional maneuver ng US Embassy sa Pilipinas ang bagong insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea, kamakailan.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, walang puwang sa mundo ang paggamit ng dahas sa anumang panahon.

Ang ginagawang pananakot ng Peoples Republic of China sa West Philippine Sea ay isang uri ng irresponsible behavior o kawalan ng galang.

Ikinukonsidera din ng US Embassy sa Maynila na isang pananakot sa seguridad at legal rights ang ginawa ng China sa itinuturing nito na ally o kaalyadong bansa.

Noong Hunyo 30, hinarang ng Chinese Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard habang inaalalayan nito ang mga barko ng Philippine Navy patungong Ayungin Shoal.

Nagpadala din umano ang China ng kanilang warship sa naturang karagatan, bagay na labis na ikinabahala ng Philippine Coast Guard. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author