Ibinahagi ni United States Ambassador to the Philippines Marykay Carlson ang mga larawan ng pagdating sa bansa ni US Defense Secretary Lloyd Austin para sa kanyang ikalawang official trip sa bansa.
Ayon kay Carlson, ang pagbabalik ni Austin ay nagpapakita ng matibay na commitment ng America sa alyansa nito sa Pilipinas. Nanggaling si Austin sa South Korea, kung saan tinalakay niya ang seguridad ng bansa.
Inaasahang makikipagkita si Austin sa kanyang Philippine Counterpart na si Department of National Defense Secretary Carlito Galvez jr.
Huling bumisita sa Pilipinas ang US Defense Chief noong Hulyo 2021 kung saan nakipagpulong ito kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Una nang kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na pina-plantsa na ang posibleng Joint Patrols ng Pilipinas at America sa West Philippine Sea sa harap ng patuloy na agresibong aktibidad ng China sa pinagaagawang teritoryo.