Inaresto ng mga tauhan ng PNP aviation security unit sa Laguindingan Airport ang isang US Citizens matapos gumawa ng bomb joke habang sakay ng kanyang flight sa Laguindingan Airport kagabi mula sa Cebu.
Sinabi ni Laguindingan Airport Manager Job De Jesus, dumating ang CEBGO flight DG 6723 mula Mactan-Cebu, International Airport lulan ang 73 pasahero na lumapag sa Laguindingan Airport.
Habang nasa proseso ng pagbaba, tumayo ang isang US citizen para kunin ang kanyang bagahe at gumawa ng pananakot at sinabing kaya niyang barilin lahat, at kaya palitawin na bomba.
Agad naman iniulat sa Control Tower kasunod nito, ang PNP-Aviation Security Unit at CAAP Security and Intelligence Unit K9 ay nagsagawa ng paneling at sinuri ang lahat ng bagahe ng mga pasahero, kung saan walang nakitang indikasyon ng mga bomba.
Kasalukuyang nakakulong na sa PNP headquarters ng Laguindingan Airport ang dayuhan na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o ang bomb joke na may parusang pagkakakulong ng hindi hihigit sa limang (5) taon, at multa, na hindi hihigit sa P40,000.