Kapwa popondohan ng America at Japan ang Open Radio Access Network (ORAN) technology field trials sa Pilipinas.
Ayon sa White House, ipagpapatuloy ang pagtutulungan ng tatlong bansa bilang trilateral group upang maihatid ang secured at trusted information at communication technologies sa Pilipinas.
Bukod dito, layunin din nitong suportahan ang isang Asia ORAN Academy sa Manila tungo sa commercial deployment ng ORAN sa hinaharap.
Ang ORAN ang lumilikha ng interoperation sa pagitan ng cellular network equipment ng iba’t ibang network vendors.