dzme1530.ph

US Ambassador, kumpiyansang malapit nang maplantsa ang trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika

Loading

Naniniwala si US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson na malapit nang maayos ang trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

 

Sa sidelines ng Fourth of July celebration ng US Embassy, sinabi ni Carlson na puspusan ang pagta-trabaho ng dalawang bansa para ma-plantsa ang kasunduan.

 

Inaasahang magtatapos ang 90-day pause sa mabigat na bagong tariff rates ng Trump administration sa maraming bansa sa July 9.

 

Sa kaso ng pilipinas at US, kumpiyansa si Carlson na kapwa isusulong ng dalawang bansa ang isang “mutually beneficial trade relationship.”

About The Author