dzme1530.ph

Unprogrammed appropriations sa 2026 national budget, ‘di maituturing na labag sa Konstitusyon

Loading

Tiwala sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senate President Pro Tempore Panfilo Ping Lacson na constitutional ang nilalaman ng unprogrammed appropriations sa inaprubahan nilang bersyon ng 2026 national budget.

Sinabi ni Sotto na tanging para sa foreign-assisted projects ang inilagay ng Senado sa unprogrammed appropriations.

Sa panig ni Sen. Lacson, sinabi niyang ang unprogrammed appropriations ay nasa ilalim ng Special Purpose Fund kung saan kailangan ito para ma-augment ang ilang items sa Regular Budget.

Kailangan lamang anya na istriktong nasusunod ang tatlong Special Provisions sa ilalim ng General Appropriations Act.

Kabilang dito ang probisyon na dapat may excess non-tax revenue collection, may kaakibat na bagong revenue measure, at kung may naaprubahan na loan.

Tanging ang Pangulo ang nag-aapruba ng kailangang augmentation sa makatwirang dahilan para ganap na maipatupad ang ilang nakasaad o tinukoy na programa at proyekto.

Naging kontrobersyal, kwestyonable, at unconstitutional ang unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2024 GAA dahil sa isiningit na dalawang karagdagang special provision na naging basehan para ilipat sa national treasury ang excess funds ng PhilHealth.

About The Author