dzme1530.ph

Unprogrammed appropriations, nagagamit na pork barrel —Sen. Gatchalian

Loading

Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Department of Budget and Management (DBM) na pag-isipang mabuti ang paggamit ng unprogrammed appropriations dahil mistulang nagagamit umano ito bilang pork barrel.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, pinuna ni Gatchalian na DBM lamang ang nagtatakda kung aling proyekto ang bibigyang prayoridad gamit ang nasabing pondo.

Inamin naman ng DBM na dapat na talagang alisin ang unprogrammed appropriations sa pambansang budget.

Lumutang ito matapos kumpirmahin ng ahensya na umabot na sa ₱9.5 bilyon mula sa 2025 unprogrammed funds ang nagamit para sa flood control projects.

About The Author