dzme1530.ph

Unpaid P27-B emergency allowance ng health workers, ilalabas na bukas

Ilalabas na ng Dep’t of Budget and Management bukas araw ng Biyernes, ang hindi pa nabayarang P27-B na health emergency allowance ng health workers.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, bagamat sa 2025 pa hinihiling ang pagbabayad sa unpaid allowance, sinikap na mas maaga itong tuparin para sa kapakanan ng mga nagta-trabaho sa healthcare sector.

Ito ay bilang pagtupad rin umano sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Mababatid na noong Mayo ay humiling ang Dep’t of Health ng Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation para sa P27.453-B na pondo, na sasaklaw sa mahigit limang milyong validated unpaid allowances at mahigit apatnalibong COVID-19 sickness and death compensation claims ng eligible healthcare at non-healthcare workers.

About The Author