Nais ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo na idulog na ng Pilipinas sa United Nation General Assembly (UNGA) ang mga ‘unlawful action’ ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Sa House Resolution 1766 ni Tulfo, hinimok nito ang gobyerno na atasan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na manguna sa pagbuo ng resolusyon sa UNGA dahil ito ay naaayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration.
Kahit na umano may ruling ang Permanent Court of Arbitration sa Case No. 2023-19 o ang Republic of the Philippines vs. People’s Republic of China, hindi naman ito kinikilala ng Beijing.
Ngayong taon lamang ilang agresibong ‘manoeuvres’ at ‘water cannon attacks’ ang ginawa ng Chinese vessels laban sa Philippine Coast Guard (PCG) at mangingisdang Pinoy, bukod pa sa mga itinayong military installations, airstrips at strategic infrastructure sa artificial islands ng Philippines waters.
Giit ng kongresista, ang resolusyon sa UNGA ay magpapalakas sa ‘maritime rights at claim’ ng Pilipinas sa inaagaw na Exclusive Economic Zone (EEZ) at Continental Shelf na nasa loob mismo ng WPS.
Dagdag pa ni Tulfo, ‘in line’ din ito sa pahayag ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hangad pa rin nitong resolbahin ang gusot mapayapang dayalogo at diplomasya lalo’t batid nito na masyadong ‘complex’ ang isyung ito.