dzme1530.ph

Universal pension para sa lahat ng senior citizens, aprubado ng special committee

Loading

Aprubado na ng Special Committee on Senior Citizens ang substitute bill para sa Universal Social Pension for Senior Citizens o House Bill 1421.

Sa kasalukuyang batas, tumatanggap ng P1,000 monthly stipend ang mga eligible indigent senior citizens, ngunit ang mga nagpepensyon sa SSS at GSIS ay hindi kabilang sa programa.

Sa HB 1421, na pangunahing inakda ni Rep. Miro Quimbo ng Marikina City, lahat ng senior citizens sa Pilipinas, pensyonado man o hindi sa SSS at GSIS, ay awtomatikong makakatanggap ng isang libong pisong buwanang pensyon.

Ayon kay Cong. Quimbo, ninais niyang amyendahan ang batas dahil hindi na makatotohanan ang pensyong tinatanggap kumpara sa daily medical expenses ng mga senior.

Aminado si Quimbo na hindi ganap na solusyon ang inaprubahang panukala, subalit binibigyan nito ng dignidad at seguridad ang mga nakatatanda.

Umaasa ang chairman ng Ways and Means panel na susuportahan ito ng mga kapwa kongresista kapag pinag-usapan na sa plenaryo.

About The Author