Mahalaga ang papel ng AFP, PNP, BFP, Coast Guard, BJMP at iba pang uniformed personnel sa mabilis at malawakang pagtugon ng gobyerno sa panahon ng kalamidad
Sa post-SONA session kahapon, kasama ang Presidential Communications Office, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na “granular” o detalyado ang proseso ng pagtulong sa mga mamamayan, lalo na sa gitna ng mga banta ng mapanganib na panahon.
Dagdag pa ni Teodoro, nakaatas sa AFP at Coast Guard ang mga mas mabibigat na logistical operations, gaya ng paglilipat ng mga kagamitan at suplay mula sa isang lugar patungo sa iba pang apektadong lugar.
Nilinaw rin ni Secretary Teodoro na ang Department of National Defense (DND) ang nagsisilbing suporta ng mga public security entities sa anumang lagay ng panahon at sitwasyon.