dzme1530.ph

Underground tunnel at sekretong mga kwarto, nadiskubre sa resort sa Porac, Pampanga

Isang underground tunnel at sekretong mga kwarto sa isang exclusive resort sa Porac, Pampanga ang nadiskubre ng mga awtoridad.

Sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng Pampanga Police ang dalawang ektaryang resort, bilang bahagi ng hakbang na hanapin ang mga boss ng illegal POGO hub na Lucky South 99.

Sinabi ni Pampanga Gov. Dennis Pineda na patuloy pa rin ang paghahanap sa mga nakatakas na boss at layunin din ng raid na baka may mailigtas pang mga biktima ng human trafficking.

Nasorpresa naman ang mga awtoridad nang madiskubre ang underground tunnel na nakakonekta sa villa at sa pavilion na nasa gitna ng lagoon.

Sa kahabaan ng tunnel ay mayroong sekretong mga kwarto na nakatago sa mga pader.

Ang natagpuang underground tunnel sa resort ay kagaya ng sa POGO hub sa Bamban, Tarlac, maliban sa mayroong secret rooms sa Porac.

About The Author