dzme1530.ph

Undeclared 10 million Japanese yen na cash, nasabat sa Mactan-Cebu Airport

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa subport ng Mactan ang undeclared na 10 million Japanese yen na cash, na katumbas ng mahigit 69,000 US dollars, mula sa isang dumating na pasahero sa Mactan-Cebu International Airport.

Ayon sa BOC, ang undeclared foreign currency ay kinumpiska mula sa isang Korean citizen.

Ibinalik naman sa pasahero ang freely importable amount na 1.48 million yen, katumbas ng 10,000 dollars, subalit inirekomenda ng Subport of Mactan na isyuhan ng warrant of seizure and detention ang natitirang 8.520 million yen.

Inirekomenda ang warrant dahil nilabag ng pasahero ang regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa cross-border currency transfers at Customs Modernization and Tariff Act.

Ipinaalala rin ng BOC na ang halagang lagpas sa 10,000 dollars ay dapat ideklara sa pamamagitan ng E-Travel system at Foreign Currency Declaration form pagdating at pag-alis mula sa alinmang port sa Pilipinas. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author