dzme1530.ph

Uncoordinated at contradicting policies sa rice regulation, pina-iimbestigahan ni Sen. Hontiveros

Hiniling ni Senador Risa Hontiveros sa kaukulang kumite sa Senado ang pagsasagawa ng investigation in aid of legislation sa umano’y uncoordinated at contradicting policies sa rice regulation.

Sa kanyang Senate Resolution 794, tinukoy ni Hontiveros ang inilabas na Executive Order 39 na nagpapatupad ng mandatory price ceiling sa regular milled and well milled rice na naging epektibo nitong Setyembre 5.

Binanggit din ng senador sa kanyang resolution ang pagtutol ng mga ekonomista sa kautusan kasabay ng babala na labis na maapektuhan dito ang mga magsasaka at mga retailer hanggang sa magdulot ng hindi magandang epekto sa ekonomiya sa kabuuan.

Inamin din ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi nakonsulta sa kautusan ang economic team kaya’t ikinagulat nila ang price ceiling.

Kasabay nito, taliwas sa mandatory price ceiling, iminungkahi ni Diokno ang pagbabawas o pansamantalang suspensyon ng 35% tariff sa rice imports.

Kontra rin ito sa mga nakalipas na pahayag ng administrasyon para sa government to government rice importation.

Binanggit din ng mambabatas na ang mga magkakasalungat na polisiya ng mga opisyal ng gobyerno ay sa gitna ng kabiguan ng National Food Authority na ma-utilize ang P7-B subsidy upang tiyakin ang sapat na buffer stock ng bigas. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author