dzme1530.ph

Unconsolidated PUVs na ba-biyahe pa rin simula May 1, huhulihin na ngunit bibigyan ng due process

Huhulihin na ngunit bibigyan ng due process ang PUV drivers na bigong makapag-consolidate, kung ba-biyahe pa rin sila simula sa May 1.

Ito ay sa nakatakdang deadline ng PUV consolidation sa April 30.

Sa Bagong Pilipinas ngayon public briefing, inihayag LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III na bagamat totoo ang hinaing ng ilang transport groups na ang legislative branch ang may hawak sa usapin ng prangkisa, pinapayagan pa rin ng batas ang LTFRB na maglatag ng mga panuntunan kaugnay dito.

Kaugnay dito, ang mga hindi pa rin umano susunod sa PUV consolidation ay huhulihin at ituturing nang kolorum kung ba-biyahe pa rin sila simula sa May 1.

Bibigyan sila ng notice o show cause order upang pagpaliwanagin, at kung hindi maku-kuntento ang LTFRB sa kanilang paliwanag at wala silang maipapakitang consolidation papers, sususpendihin o babawiin na ang kanilang prangkisa.

Mababatid na nagkasa ng transport strike ang Grupong MANIBELA at PISTON simula ngayong araw bilang pagtutol sa PUV consolidation para sa PUV modernization program.

About The Author