dzme1530.ph

Unconditional rice subsidy sa mahihirap, iminungkahi ng NEDA

Iminungkahi ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagbibigay ng unconditional rice price subsidies sa mahihirap na Pilipino.

Ito ay sa harap ng posibleng pagbawi sa itinakdang mandated price ceiling sa bigas.

Sa sectoral meeting sa Malakanyang, ipinabatid ng NEDA ang suporta sa posibleng pagbawi sa price cap.

Kaugnay dito, nag-rekomenda ang ahensya ng ilang interventions tulad ng logistics support sa rice traders, financial assistance sa mga magsasaka, at unconditional rice price subsidies sa mahihirap na consumers.

Matatandaang inilatag na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang indicators sa posibleng pagbawi sa price cap, kabilang ang na-obserbahang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan, inaasahang pagtaas ng lokal na suplay, at pagbaba ng presyo ng imported na bigas sa global market. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author