Kumpiyansa si Sen. Ramon Revilla, Jr na magiging positibo ang unang trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, Japan, at Estados Unidos.
Sinabi ni Revilla na ang pagpapatibay ng ating relasyon sa Japan at Amerika, at ang pagtutulungan ay maghahatid ng higit na seguridad, kaayusan, at progreso sa ating rehiyon.
Ikinatuwa rin ni Revilla ang pangako ng Estados Unidos ng mahigit $1-B na U.S. private sector investments para sa mga hakbangin ng Pilipinas para sa ekonomiya, clean energy transition, at supply chain resilience.
Ipinagmalaki rin ng mambabatas ang launching ng Luzon Economic Corridor, na konektado sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas.
Bahagi anya ito ng Partnership for Global Infrastructure and Investment-IPEF Accelerator ng Japan, Pilipinas at Estados Unidos upang mapabilis ang investments sa high-impact infrastructure projects, kabilang na ang rail; ports modernization; clean energy and semiconductor supply chains and deployments; agribusiness; at civilian port upgrades sa Subic Bay.