dzme1530.ph

Unang kaso ng ASF sa Aklan, naitala

Kinumpima ng probinsya ng Aklan ang kauna-unahang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang lugar.

Dahil dito, nagpatupad ang LGU ng mahigpit na seguridad at border control sa mga apektadong lugar at mga kalapit na barangay.

Pansamantala ring itinigil ni Balete Mayor Dexter Calizo ang pagpasok at paglabas ng mga buhay na baboy at mga produktong baboy.

Magsasagawa rin aniya ng pagpupulong ang mga lokal na lider sa 17 bayan sa Aklan para pag-usapan ang mga preventive measures.

Kasunod nito, nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang Aklan sa Boracay Island upang maprotektahan laban sa pagkalat ng ASF. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author