Isinagawa ang kauna-unahang flag-raising ceremony sa Sabina Shoal na bahagi ng West Philippine Sea (WPS) bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Rear Admiral Armando Balilo, ito ang kauna-unahang pagkakataon na itinaas ang watawat ng Pilipinas sa Escoda o mas kilala bilang Sabina Shoal
Sinabi ng PCG, habang isinasagawa ang seremonya ay may namataan silang walong Chinese Vessel na umaaligid sa Escoda Shoal, habang ang apat pa ay nasa labas naman.
Mababatid na isinasagawa ng PCG ang pagbabantay at pagpapatrolya sa nasabing lokasyon ng karagatan upang mapanatili ang peace and security sa karagatan.
Katuwang ng PCG ang dalawang maliliit na patrol vessel na BRP Cabra at BRP Malabrigo, upang ma-document at mabantayan ang agenda ng Tsina sa pagtatayo ng island dito.