dzme1530.ph

Unang bugso ng malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo, umarangkada na

Loading

Sinimulan nang ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang unang bugso ng oil price hike ngayong linggo.

Kasunod ito ng limang sunod na linggong taas-presyo sa gasolina, tatlong sunod na linggo sa diesel, at dalawang sunod na linggo sa kerosene.

Ngayong Martes, ay nagdagdag ang oil companies ng ₱1.75 sa kada litro ng gasolina; ₱2.60 sa diesel habang ₱2.40 centavos sa kerosene.

Kaparehong dagdag-presyo rin ang ipatutupad sa Huwebes, para sa ikalawang bugso ng adjustments, matapos pumayag ang mga kumpanya ng langis sa hiling ng Department of Energy (DOE) na utay-utayin ang implementasyon ng big time oil price hike.

About The Author