Kinumpirma ni Senate Committee on Accounts Chairman Alan Peter Cayetano na magpapatuloy ang phase 1 at 2 ng itinatayong bagong gusali ng Senado sa Taguig City kahit nagsasagawa sila ng review sa kabuuan ng proyekto.
Ito ay upang alamin din kung tama ang karagdagan pang P10 bilyon para sa proyekto gayundin ang mga bibilihin at sukat ng mga opisina para sa mga ookupang opisyal at empleyado ng Senado.
Iginiit ni Cayetano na hindi nagmula sa bulong-bulungan o haka-haka ang mga nakalap nilang impormasyon.
Subalit ang panawagan ni Cayetano sa publiko ay iwasan muna ang anumang ispekulasyon lalo’t ang hangarin ng kanilang review ay magkaroon sila ng best functional at iconic senate building na magiging simbolo ng demokratikong proseso.
Tiniyak ni Cayetano na magpapatuloy ang independent na pagsusuri ng proyekto kasama ang isang high-level coordination team.
Nangako rin ang senador na tutuparin ang kanilang mandato nang may integridad, maging ehemplo pagdating sa pagiging tapat, at manatiling gumagawa ng mga moral na desisyon.