Pitong Manhattan residents ang napili para magsilbing jury sa criminal trial ni dating US President Donald Trump.
Sa selection process, ang anonymous members ng jury na binubuo ng apat na lalaki at tatlong babae ay makikilala lamang sa pamamagitan ng mga letra at numero, gaya ng b400 at b280.
Kinabibilangan ito ng isang salesman, nurse, dalawang abogado, IT consultant, teacher, at software engineer.
Lahat sila ay sumagot sa mga tanong tungkol sa kanilang background at opinyon kay Trump bago sila napiling jury para sa isa sa highest-profile trials sa kasaysayan ng Amerika.
Si Trump ang kauna-unahang ex-US President na sasalang sa criminal trial kaugnay ng hush-money payment sa isang porn star.