dzme1530.ph

UN Special Rapportuer Khan, pinagsabihang irespeto ang batas ng Pilipinas

Kinontra ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang rekomendasyon ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan na i-repeal o ipawalang-bisa ang Anti-Terrorism Act at ang Cybercrime Prevention Act.

Iginiit ni Go na dapat ikinunsidera ni Khan ang soberanya ng Pilipinas at ang Democratic Institutions ng ating bansa.

Aniya, ang mga batas ng Pilipinas ay masusing pinag-aralan para protektahan ang buhay ng bawat Pilipino at maitaguyod ang National Security.

Ipinaalala pa ni Go na may constitutional process at mga mekanismo ang bansa upang matiyak na ang mga batas na ipapatupad ay rumerespeto sa karapatang pantao at sa Rules of Law.

Dahil dito, umapela si Go kay Khan na itigil na ang pakikialam sa mga usapin ng Pilipinas at respetuhin ang mga batas at mga institusyon.

–Sa panulat ni Dang Samson-Garcia, DZME News

About The Author