dzme1530.ph

UN, naglaan ng $1.5-B financial aid para tugunan ang ‘humanitarian crisis’ sa Sudan

Inanunsyo ng United Nations (un) na magbibigay sila ng $1.5-B financial aid sa Sudan.

Ayon kay UN Humanitarian Chief Martin Griffiths, ito ay para malabanan ang ‘humanitarian crisis’ sa bansa at matulungan ang mga kalapit na bansa na mabigyan ng maayos na shelter ang Sudanese refugees.

Dagdag pa ni Griffiths, papunta nang ‘death and desctruction’ ang nangyayaring kaguluhan sa bansa kung kaya’t malaking bagay ang naturang halaga para magtuloy-tuloy ang recovery ng mga biktima.

Nabatid na pumalo na nasa mahigit 2,000 na ang death toll sa Sudan bunsod ng halos tatlong buwang kaguluhan. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author