Nagbabala ang United Nations na ang Sudan ay nasa bingit ng isang “full-scale civil war.”
Ito’y dahil sa walang patid na bakbakan sa pagitan ng Sudanese army at paramilitary group na Rapid Support Forces (RSF).
Ayon sa UN, nakatakdang mag-host ng summit ang Egypt sa Hulyo a-13 upang talakayin ang mga paraan kung paano matatapos ang hidwaan ng dalawang grupo sa Sudan.
Nabatid na ang diplomatic efforts upang pigilan ang sagupaan ng Sudanese army at RSF ay napatunayang hindi epektibo, dahil sa mga inisyatiba na nagdudulot ng kalituhan sa dalawang partido upang magkaayos.
Maging ang Egypt, na nakikitang pinaka-importanteng kaalyado ang sudan o ang United Arab Emirates na may mahigpit na ugnayan sa RSF ay nagpapakita ng “prominent public role.”
Samantala, ang mga delagasyon mula sa Sudan, kabilang ang civilian parties ay inaasang magkikita sa susunod na linggo sa Addis Ababa, sa Ethiopia para sa exploratory talks. —sa panulat ni Airiam Sancho