dzme1530.ph

Umiiral na patakaran sa utilization ng CIF, hindi makatwiran!

Para kay Albay Cong. Edcel Lagman hindi makatwiran ang umiiral na patakaran sa pag-avail at utilization ng Confidential at Intelligence Funds (CIF).

Puna ito ni Lagman matapos mabatid sa isinumiteng 2024 National Expenditure Program ng Marcos administration sa Kongreso, na P9.2-B ang nakalaan sa intelligence o secret funds.

Ayon sa dating Chairman ng Committee on Appropriations, mas mabuti kung ang malaking bahagi ng CIF ay isama na lamang sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng isang ahensya na mayroon nito.

Ito ay upang masiguro ang transparent auditing process, kumpara sa kasalukuyang audit procedure na “behind closed doors” lamang sa pagitan ng auditor at ina-audit.

Puna pa ni Lagman, mas makabubuti kung bibigyan ng higit na prayoridad sa paglalaan ng budget ang sektor ng edukasyon at kalusugan kumpara sa secret o intel funds. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author