dzme1530.ph

Umento sa sweldo ng mga kasambahay sa Metro Manila, ikinakasa

Nakatakdang makatanggap ng umento sa sweldo ang mga kasambahay sa National Capital Region (NCR).

Inihayag ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, na magsasagawa sila ng public hearing sa Philippine Trade Training Center sa Pasay City, sa Nov. 25.

Inimbitahan ng RTWPB ang mga stakeholder na makilahok sa public hearing, dahil mahalaga ang kanilang inputs para sa pagbalangkas ng bagong wage order.

Noong Enero ay inaprubahan ng RTWPB ang ₱500 umento, dahilan para umakyat sa ₱6,500 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author