dzme1530.ph

Umano’y torture ng mga pulis sa mga suspek ng Degamo slay, dapat patunayan

Hinamon ni Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief Brig. Gen. Red Maranan ang isa sa mga suspek sa Degamo slay na patunayan ang kanyang alegasyon laban sa mga pulis.

Ayon kay Maranan, kailangan magpresenta si Jhudiel Rivero a.k.a. Osmundo Rivero ng kanyang mga ebidensya at hindi puro akusasyon lamang.

Giit ng opisyal, iginagalang ng kapulisan ang karapatang pantao sa pag-iimbestiga ng kaso at alam nila ang mga kaakibat ng paglabag dito base na rin sa nakasaad sa RA 9745 o Anti-Torture Act of 2009.

Gayunman, naniniwala pa rin aniya ang PNP na paiiralin ng korte ang Rule of Law at magiging unbiased sa pagsusuri ng mga ebidensyang ilalatag sa hukuman.

Matatandaang 1 sa 10 mga dating sundalo na dawit sa pagpatay kay Degamo ang nagsabi na tinorture umano siya ng mga pulis na umaresto sa kanya para aminin ang kanyang partisipasyon sa krimen at ituro si Congressman Arnulfo Teves bilang mastermind. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author