dzme1530.ph

Umano’y planong pag-assassinate kay Pastor Apollo Quiboloy, tinawanan ng Pangulo

Tinawanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ipinalutang ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy, na nais umano siyang ipatumba ng America sa harap ng pagiging wanted ng FBI dahil sa sexual trafficking at iba pang kaso.

Inihayag ng Pangulo na hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng pastor, dahil wala naman umanong gustong magpa-patay sa kanya.

Bukod dito, tinawanan din ni Marcos ang alegasyon ni Quiboloy na nakikipag-sabwatan siya at si First Lady Liza Araneta-Marcos sa America para sa assassination ng pastor.

Nilinaw ni Marcos na ang mga kaso ni Quiboloy sa America ay isinampa bago pa man siya mahalal na Pangulo.

About The Author