dzme1530.ph

Umano’y miyembro Philippine Army na nakaalitan ng isang pulis, kinumpirmang wala sa database ng Militar

Wala sa database ng Philippine Army ang pangalan ni Angelito Rencio na nagpakilalang miyembro ng Philippine Army na nag-viral sa social media.

Si Rencio ang nakaalitan ni Police Staff Sergeant Marsan Dolipas na nagpapambuno sa Osmeña Highway sa Makati City.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Xerxes Trinidad, wala sa kanilang talaan ang pangalan ni Rencio maging sa roster ng mga Army Reservist kaya’t malinaw na ginagamit lamang nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Matatandaang, nagpakilala si Rencio bilang retiradong Army Major gamit ang isang Civic Organization ID.

Katwiran ni PSSgt. Dolipas, sinita niya ang naturang rider matapos makitaan ng baril na humantong sa alitan nilang dalawa. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author