dzme1530.ph

Umano’y ‘degree purchases’ ng Chinese students, handang imbestigahan ng CHED

Nakahanda ang Commission on Higher Education (CHED) na imbestigahan ang umano’y pagbili ng degree ng Chinese students sa Cagayan.

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera III, nakababahala ang mga alegasyong tumatanggap ng   mga dayuhang estudyante ang mga unibersidad at ginagamit bilang “milking cows.”

Dahil dito, mariing hinimok ng Komisyon ang mga kinauukulang partido na gawing pormal ang mga reklamo nang may ebidensya laban sa mga unibersidad na naitala ang umano’y pagdami ng mga foreign student.

Muli ring tiniyak ng CHED ang commitment nito na masigurong ang mga academic institution ay saklaw ng mga batas at regulasyon, at alinsunod sa mga interes ng Pilipinas.

About The Author