dzme1530.ph

Umano’y backlash ng impeachment ni VP Sara, minaliit

Loading

Minaliit ni Re-elected Quezon Province 2nd Dist. Rep. David Jayjay Suarez ang umano’y backlash ng impeachment ni Vice President Sara Duterte sa kandidatura ng mga kongresista.

Ayon kay Suarez, wala itong katotohanan dahil 86% ng pro-impeachment congressmen ay nagsipagwagi sa nagdaang halalan.

Hindi sinang ayunan ng kongresista ang pahayag ni Alyansa Campaign Manager at Navotas Cong. Toby Tiangco, na ang impeachment ni VP Sara ang nagbigay ng negatibong impact sa mga kandidato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. lalo na sa Mindanao.

Itinanggi rin nito na pinilit ang mga kongresista na pumirma sa impeachment complaint o nagkaroon ng ‘backdoor deals.’

Aniya, pumirma ang maraming kongresista dahil naniniwala sila sa mekanismo o proseso ng ‘constitutional accountability.’

Gayunman, iginagalang umano niya ang pahayag ni Tiangco dahil bilang campaign manager, marahil nakikita nito ang sitwasyon o terrain o on-the-ground realities.

About The Author