Maglalagak ng puhunan ang Ultra Safe Nuclear Corp. (USNC) ng America para sa paglikha ng nuclear energy sa Pilipinas.
Sa pakikipagpulong sa Top executives ng Ultra Safe sa Washington DC USA, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pina-plantsa na ang lahat ng legal requirements na kina-kailangan para sa pagkakaroon ng nuclear power sa bansa.
Kabilang dito ang legislative measures sa kongreso na magtatatag ng legal framework para sa investment at operasyon ng Ultra Safe.
Ang meeting ay nagsilbing follow-up sa nilagdaang Memorandum of Understanding noong Nobyembre 2023, kaakibat ng makasaysayang 123 nuclear agreement para sa peaceful use ng nuclear energy sa Pilipinas.
Ang Ultra Safe ay isang global leader sa nuclear technologies tulad ng micro modular reactor, fully ceramic micro-encapsulated nuclear fuel, at nuclear power and propulsion technologies para sa space exploration.