![]()
Pumayag si US President Donald Trump sa dalawang linggong ceasefire sa Iran.
Inilabas ni Trump ang desisyon, halos dalawang oras bago ang kanyang ultimatum sa Tehran para muling buksan ang Strait of Hormuz.
Ang anunsyo ng US President sa social media ay nagpahupa ng pangamba matapos itong maglabas ng kakaibang babala na buong sibilisasyon ang mamamatay, kapag hindi nasunod ang kanyang demand.
Sa post sa X, sinabi ni Pakistan Prime Minister Shahbaz Sharif na tumulong sa pagsusulong ng ceasefire, na inimbitahan niya ang Iranian at US delegations na magpulong sa Islamabad sa Biyernes.
Hindi pa malinaw kung kailan magiging epektibo ang tigil-putukan subalit ayon sa report ng Israeli media, sisimulan ito kapag binuksan muli ng Iran ang Strait of Hormuz.
