Aminado si Sen. Christopher “Bong” Go na nababahala ito sa impormasyon ng Asian Development Bank na ang Pilipinas ang pinaka disaster prone country sa Southeast Asia.
Sa inilabas na ulat ng ADB ang Pilipinas ay nakapagtala ng 43-M na disaster related displacement simula noong 2014 hanggang 2023.
Nakasaad sa ulat na high vulnerable ang Pilipinas sa mga baha at iba pang kalamidad at sakuna dahil sa lokasyon nito at epekto ng climate change.
Aminado si Go na hindi na bago sa atin ang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol at iba pa.
Muling iginiit ni Go ang approval sa kanyang Senate Bill 188 o ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience Act na siyang tututok sa disaster preparedness at response sa panahon ng kalamidad.
Nanindigan ang senador na dapat mayroong departamentong nakatutok lamang sa disaster preparedness at response na may klarong mandato at may cabinet-level secretary na tatayong timon pagdating sa ganitong sakuna at krisis.
Layunin aniya ng panukala na mapalakas ang ating kakayahan sa disaster risk reduction, paghahanda, pagtugon sa emergencies, at mabilis na pagbangon pagkatapos ng mga kalamidad. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News