dzme1530.ph

Ukranian President Volodymyr Zelenskyy, darating sa Malacañang ngayong umaga

Darating sa Malacañang si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ngayong Lunes ng umaga, para sa pakikipagpulong kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Anumang oras mula ngayon ay darating na sa palasyo ang Ukrainian leader.

Tulad ng pangulo, si Zelenskyy ay nanggaling din sa Singapore at nagsalita rin ito sa 21st Shangri-la dialogue.

Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi ang agenda ng pulong, ngunit inaasahang iimbitahan ni Zelenskyy si Marcos na dumalo sa peace conference sa Switzerland ngayong buwan, kung saan tatalakayin ang mapayapang pag-resolba sa Russia-Ukraine war.

Una nang nagpabatid ng suporta ang pangulo sa pagwawakas ng digmaan ng Russia at Ukraine at paggamit ng diplomasya.

About The Author