dzme1530.ph

Ukraine President Volodymyr Zelenskiy, naghahanap ng ipapalit sa kanyang Military Commander

Inamin ni Ukraine President Volodymyr Zelenskiy sa publiko na naghahanap siya ng kapalit sa kanyang Most Senior Military Commander na si Valerii Zaluzhnyi.

Nang tanungin tungkol sa usap-usapan na pagsibak kay Zaluzhnyi, sinabi ng Ukrainian President na kailangan ng reset at panibagong simula.

Si Zaluzhnyi na namuno sa Armed Forces sa Ukraine bago pa man ang full-scale invasion ng Russia ay sikat na sikat sa mga sundalo at publiko at ang ibig sabihin ng pagsibak sa kanya ay maituturing na politically risky decision.

Kinausap umano ni Zelenskiy ang Senior Military Commander na mag-resign nalang dahil plano niyang palitan ito subalit tumanggi si Zaluzhnyi na bitawan ang posisyon.

–Sa panulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author