Sinalubong ng mainit na pagtanggap ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) si United Kingdom Foreign Secretary James Cleverly sakay ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) sa Pier 13, South Harbor, Manila.
Ang pagbisita ay nagpakita ng patuloy na pangako ng UK sa Indo-Pacific, at pag explore, ng mga karagdagang pagkakataon upang makipagtulungan sa Pilipinas bilang isang kasosyo at mapalakas ang mutual security and prosperity.
Dumalo sa naturang pulong sina CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr, PCG Deputy Commandant for Operations; CG Rear Admiral Charlie Rances, Commander, Coast Guard Fleet; CG Commodore Genito Basilio, Director, Coast Guard Strategic Studies and International Affairs Center; CG Commodore Algier Ricafrente; at iba pang opisyal ng PCG.
Habang kasama naman ni Secretary Cleverly si His Majesty’s Ambassador Laure Beaufils; Defense Attaché Group Captain Bea Walcot Raf; Chief of Staff Hudson Roe; Political Counsellor Iaian Cox; Deputy Head of Public Diplomacy Cara San Pedro; and Digital Diplomacy Officer Patricia Torralba. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News