dzme1530.ph

Ugnayan ng Pilipinas, India, palalakasin sa pamamagitan ng isang strategic partnership

Loading

Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ile-level up ang ugnayan ng Pilipinas at India sa pamamagitan ng isang strategic partnership.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kagabi, sa kanyang pakikipagpulong sa Filipino community sa India.

Ayon kay Marcos, sa loob ng pito’t kalahating dekada ay naging maganda ang relasyon ng dalawang bansa.

Subalit ngayong araw, inaasahang magkakaroon ito ng “major boost” at “major upgrade” sa paglulunsad nila ni Prime Minister Narendra Modi ng strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at India.

Ipinahayag ng Pangulo na kabilang sa mga larangang pagtitibayin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa depensa, kalakalan at negosyo, kalusugan, turismo, at iba pa.

Kahapon ay dumating si Pangulong Marcos sa New Delhi para sa isang limang-araw na state visit, bilang tugon sa imbitasyon ni Prime Minister Modi.

About The Author