dzme1530.ph

UE, wagi sa AllStar Hong Kong Fencing Championship

Pinatunayan ng University of the East (UE) Fencing Team ang kanilang galing sa larangan matapos maiuwi ang iba’t-ibang parangal para sa unibersidad sa katatapos lang na Hong Kong Fencing Championship 2023, sa Kawloon Bay.

Nagkamit ng dalawang silver sa 12 mixed team, 14 girls Sabre team, at bronze medal sa 14 girls Sabre category ang unibersidad nang magpamalas ng galing ang manlalaro nitong si Nicol Canlas.

Habang si Mika Ragot naman ang itinanghal na silver medalist sa 12 girls EPEE.

Nakakuha naman tatlong bronze medal sina Willa Galvaz, at Yuna Canlas sa 12 girls foil division na inorganiza ng Hong Kong Fencing School.

Dahil dito, inaasahang makapaglalaro sina Canlas, Ragot, Galvaz bilang kinatawan ng UE sa nalalapit na UAAP Season 86 na gaganapin sa MOA Arena sa Setyembre 30, 2023. –sa panulat ni Suzzaine Bosch

About The Author